Pagnanakaw tinitingnang motibo sa pamamaril sa 2 empleyado ng BOC
Pagnanakaw ang isa sa mga tinitingan ng pulisya na posibleng motibo sa pamamaril sa dalawang empleyado ng Bureau of Customs (BOC).
Ayon sa pulisya, sugatan sa pamamaril sina Maricon Manalo at Marietta Lasac sa Makati noong Biyeres.
Sinabi ni Lt. Col, Rogelio Simo, Makati Police chief, inaalam nila kung tinangka ng mga suspek na nakawan ang dalawang biktima.
Sinubukan anya ng mga suspek na sirain ang kotse ng mga biktima target umano ang ilang gamit sa loob ng sasakyan.
Sa CCTV anya ay makikita na pinipilit ng mga suspek na pabuksan sa dalawa ang sasakyan.
Ayon sa pulisya, tila alam ng mga gunmen na mayroong mahalagang gamit sa loob ng kotse at ito ang kanilang nais kunin.
Ligtas na ang magkapatid na biktima habang may isa silang kasama na hindi nasugatan.
Samantala, sinabi ng BOC na gagawin nila ang lahat para matugis ang mga bumaril sa dalawa nilang empleyado.
“The agency will extend the necessary support and assistance to its personnel. We enjoin all BOC employees to remain focused on our mission and pray for the speedy recovery of our colleagues,” pahayag ni Customs Commissioner Rey Guerrero.
Makikipag-tulungan anya ang Customs Intelligence and Investigation Service sa pulisya pasa sa imbestigasyon ng kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.