Libo-libong mga guro nagsimula ng protesta sa Hong Kong

AP photo

Matapos ang kilos protesta ng mga estudyante, mga guro naman ngayon ang nag rally sa Hong Kong.

Nagmartsa ang libo-libong mga guro sa Hong Kong, hudyat ng simula ng panibagong protesta sa bansa.

Nag-rally ang mga guro sa isang public square bitbit ang mga plakard na may nakalagay na mensaheng “Protect the next generation.”

Nagtali ang mga guro ng puting mga laso sa bakal na harang malapit sa Government House bilang suporta sa mga dati nang nagpoprotesta kabilang ang mga estudyante.

Ayon sa mga guro dapat sagutin ni Hong Kong leader Carrie Lam ang demands ng mga raliyista at itigil ang karahasan ng mga pulis sa dispersal ng mga nagpoprotesta.

Ngayong Linggo ay may nakatakdang rally sa Victoria Park ng isang pro-democracy group na nais ang pagbibitiw sa pwesto ni Lam, magkaroon ng eleksyon at hiwalay na imbestigasyon sa umanoy paggamit ng dahas ng pulisya.

 

Read more...