Cardema nagpasaklolo kay Duterte, SC justices laban sa umanoy extortion ni Guanzon
Nagpasaklolo si dating National Youth Commission chairman Ronald Cardema kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Korte Suprema dahil sa umanoy pangingikil sa kanya ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.
Sa press conference araw ng Sabado, umapela si Cardema sa Pangulo at sa mga mahistrado ng Supreme Court na tingnan ang alegasyon niyang extortion laban kay Guanzon.
“Humihingi kami ng tulong sa Pangulo. Kapag ganitong level na literally na durog na durog na kami, baka naman pwede kami humingi ng tulong sa Pangulo,” ani Cardema.
Panawagan pa nito sa mga mahistrado, tulungan siya at kanyang grupo na Duterte Youth dahil hindi pa anya sila umuupo ay araw-araw na umano silang inaaway ng Comelec Commissioner.
Bukod sa alegasyon na humihingi umano si Guanzon ng pera sa kanila kapalit ng accreditation ng kanyang grupo, sinabi rin ni Cardema na hina-harass at inaatake sila ni Guanzon.
Emosyunal na sinabi ni Cardema na hirap na ang kanyang asawa at anak na nanganganib anyang malaglag.
“Ayaw namin ng kaaway intindihin niyo ang kalagayan namin. Asawa’t anak ko hirap na. Anak namin malalaglag na. Threatened abortion na ilalagay sa papel,” dagdag ni Cardema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.