P500k na halaga ng shabu nakuha sa Bilibid

File photo

Arestado ang 2 suspek na umanoy nagtutulak ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Kasabay nito ay nakumpiska ang P500,000 na halaga ng shabu na umanoy galing sa Bilibid.

Nakilala ang mga suspek na si Ruel Casao at Warren Villena.

Nahuli ang dalawa na nagbebenta ng droga na nakalagay sa 12 maliliit na pakete.

Patuloy ang imbestigasyon kung sino ang mga katransaksyon ng dalawang suspek sa NBP.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...