3 patay sa aksidente sa Negros Occidental

By Len Montaño August 18, 2019 - 01:40 AM

Tatlong miyembro ng isang mag-anak ang nasawi makaraang mahulog ang sinasakyan nilang truck sa bangin sa San Carlos, Negros Occidental.

Nasa 20 pasahero naman ng truck ang nasugatan at dinala sa ospital.

Nasawi ang magkaka mag-anak na sina Jenalyn Capriano, Maricel Lobrido at Haydee Lobrido.

Lumabas sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang truck sa Barangay Codcod.

Dahil dito ay nawalan ng kontrol ang driver sa truck kaya napunta ang sasakyan sa gilid ng kalsada at bumulusok sa bangin.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang truck driver.

 

TAGS: 20 sugatan, 3 PATAY, aksidente, bangin, nawalan ng kontrol, Negros Occidental, pumalyang preno, truck, 20 sugatan, 3 PATAY, aksidente, bangin, nawalan ng kontrol, Negros Occidental, pumalyang preno, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.