Naglabas ng abiso ang National Grid Corporation (NGCP) na may gagawing maintenance ng mga pasilidad sa Gensan Substation ngayong araw ng Linggo.
Dahil dito makararanas ng apat na oras na walang kuryente ang ilang bahagi ng General Santos City.
Magsisimula na mawalan ng kuryente mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ngayong araw.
Base sa abiso ng NGCP, apektado ang mga consumer ng electric company na SOCOTECO.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng NGCP sa mga apektadong consumer sa power interruption sa nabanggit na lugar.
Target ng ahensya na maging mabilis ang maintenance sa kanilang pasilidad para maibalik ang kuryente sa lalong madaling panahon.
MOST READ
LATEST STORIES