General Santos City 4 na oras na walang kuryente ngayong Linggo

By Noel Talacay August 18, 2019 - 12:50 AM

File photo

Naglabas ng abiso ang National Grid Corporation (NGCP) na may gagawing maintenance ng mga pasilidad sa Gensan Substation ngayong araw ng Linggo.

Dahil dito makararanas ng apat na oras na walang kuryente ang ilang bahagi ng General Santos City.

Magsisimula na mawalan ng kuryente mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ngayong araw.

Base sa abiso ng NGCP, apektado ang mga consumer ng electric company na SOCOTECO.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng NGCP sa mga apektadong consumer sa power interruption sa nabanggit na lugar.

Target ng ahensya na maging mabilis ang maintenance sa kanilang pasilidad para maibalik ang kuryente sa lalong madaling panahon.

 

 

 

 

TAGS: 4 oras, General Santos City, Gensan Substation, maintenance, ngcp, power interruption, SOCOTECO, walang kuryente, 4 oras, General Santos City, Gensan Substation, maintenance, ngcp, power interruption, SOCOTECO, walang kuryente

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.