Miss Universe Catriona Gray bumisita sa AFP HQ

By Len Montaño August 18, 2019 - 12:40 AM

NIÑO JESUS ORBETA / Philippine Daily Inquirer

Isang pagpapakita na “beauty with a purpose” si 2018 Miss Universe Catriona Gray nang bisitahin nito ang punong tanggapan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) araw ng Sabado.

Malugod na tinanggap si Catriona ni AFP chief of of Staff General Benjamin Madrigal Jr.

Binigyan ng militar ang Filipina beauty queen ng Command Plaque kung saan nakasaad ang pasasalamat at pagkilala ng pinuno ng AFP sa mga nagawa at tagumpay ng dalaga.

Ayon kay Madrigal, ang pagiging bahagi ni Catriona sa iba’t ibang aktibidad ay patunay na ang babae ay nagbibigay-daan sa positibong pagbabago.

Bukod sa plake ay binigyan din si Catriona ng “capa del sur,” isang tradisyunal na kapa na hinabi ng tribong Yakan sa Mindanao.

Sinabi naman ni Catriona na isang karangalan ang pagbista sa AFP headquarters.

Isa anya itong patunay na katuwang niya ang AFP sa kayang mga adbokasiya at “charitable causes.”

 

TAGS: 2018 Miss Universe, adbokasiya, AFP, capa del sur, Catriona Gray, charitable causes, Command Plaque, General Benjamin Madrigal Jr., headquarters, Yakan, 2018 Miss Universe, adbokasiya, AFP, capa del sur, Catriona Gray, charitable causes, Command Plaque, General Benjamin Madrigal Jr., headquarters, Yakan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.