Pagtatanim ng citronella isinulong ng DA kontra dengue

Credit: DA-Bicol

Namahagi ng 30,000 na tangkay ng citronella ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka sa Canaman, Camarines Sur.

Ito ay isang inisyatibo ng DA para labanan ang lumalalang kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay Agriculture Acting Secretary William Dar, ang citronella ay may malakas na amoy na ayaw ng mga lamok.

Pwede rin anya itong pagkakitaan dahil maaaring gumawa ng essential oil mula sa halaman ng citronella.

Ang citronella ay ibinigay sa 300 na mga magsasaka na mga miyembro ng Tabang Bikol Movement.

Tinuruan ang mga magsasaka kung paano itanim ang citronella.

Namigay din ang DA ng citronella oil extracting machine.

Pahayag ni Dar, maraming gamit ang langis ng halaman ng citronella sa paggawa ng sabon, pabango, spray, disinfectants, pintura at iba pa.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay umaangkat pa ng citronella oil sa ibang bansa.

 

Read more...