Maaliwalas na panahon sa Bagong Taon ayon sa PAGASA

By Isa Avendaño-Umali December 30, 2015 - 10:56 AM

Source: Google
Source: Google

Magiging maganda ang panahon sa buong bansa, hanggang sa unang araw ng Bagong Taon.

Ayon sa special weather outlook ng PAGASA, walang weather disturbance o tropical cyclone na nakita malapit sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na tatlong araw.

Dahil dito, asahan na ang maaliwalas na panahon, bukod sa mararanasan pa rin ang hanging Amihan.

Samantala, naitala kahapon ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila ngayong December 2015.

Bumaba sa 19.6 degrees Celsius ang lamig sa Kalakhang Maynila, na nairekord 6:30 kahapon ng umaga.

Araw-araw, may temperature readings ang PAGASA sa Science Garden nito, sa Diliman, Quezon City, mula alas-singko hanggang alas-sais ng umaga.

Sinabi ng weather bureau na makakaasa ang mga taga-Metro Manila ng malamig na klima hanggang sa mid-February.

Patuloy ding bumabagsak ang temperatura sa Baguio City, kung saan naitala ang 12.8 degrees Celsius na lamig kahapon (December 29).

 

TAGS: 2016, New Year, pagasa, 2016, New Year, pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.