Robredo: Wala akong plano na tumakbong Pangulo

By Len Montaño August 17, 2019 - 11:18 PM

Bagamat bukas siya sa anumang posibilidad, nilinaw ni Vice President Leni Robredo na sa ngayon ay wala siyang plano na kumandidatong Pangulo sa eleksyon sa 2022.

Ang paglilinaw ay kasunod ng pahayag ni Robredo sa panayam ng Bloomberg TV na bukas siya sa anumang posibilidad.

Sa panayam sa mga mamamahayag sa Naga City araw ng Sabado, nilinaw ng Pangalawang Pangulo na wala siyang sinabi na plano niyang tumakbong presidente sa 2022.

Inulit ng Bise Presidente ang posisyon nito na ang pagiging Pangulo ay isang tadhana.

Hindi anya ito napaplano gaya ngayong tatlong taon pa bago ang susunod na presidential elections.

“Ang sinasabi ko lang open ako sa lahat ng possibilities,” ani Robredo.

Paliwang pa nito, noong 2010 at 2016 elections ay mayroong mga maagang nagplano pero hindi namang natuloy sa pagtakbo bilang presidente.

Batay anya sa kasaysayan, ang matagumpay na pagkandidato bilang Pangulo ay iyong hindi pinaplano.

 

TAGS: 2022, Bloomberg TV, bukas sa posibilidad, nilinaw, Presidential elections, presidential run, tadhana, Vice President Leni Robredo, walang plano, 2022, Bloomberg TV, bukas sa posibilidad, nilinaw, Presidential elections, presidential run, tadhana, Vice President Leni Robredo, walang plano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.