Inakusahan ni dating National Youth Commission (NYC) head Ronald Cardema si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na umanoy nangikil sa kanyang grupo ng P2 milyon.
Sa press conference araw ng Sabado, sinabi ni Cardema na P2 milyon ang hinihingi ng kampo ni Guanzon kapalit ng pag-apruba sa accreditation ng Duterte Youth partylist group.
Kwento ni Cardema, isang emisaryo ang humingi ng pera at ilang pabor para pumayag ang Comelec Commissioner na aprubahan ang accreditation ng grupo noong May elections.
Isa anyang congresswoman ang emisaryo ni Guanzon at nakipag-usap ito ukol sa umanoy kasunduan sa pamamagitan ng Viber.
“Noong hapon ng Jan. 16, tumawag yung emisaryo ni Commissioner Guanzon sa atin ang sinasabi nila ‘Mr. Cardema ma-approve lang ang Duterte Youth kung meron majority kasama si Commissioner Guanzon.’ Meron silang hininging pabor at pera sa atin,” ani Cardema.
Dagdag ni Cardema, humingi pa ng tulong ang kongresistang emisaryo ni Guanzon para sa appointment ng isang abogado para maging hukom ng Regional Trial Court sa Iloilo.
Samantala, sa hiwalay na pahayag ay itinanggi ni Guanzon ang akusasyon ni Cardema.
Pabiro pa nitong sinabi sa Twitter na bumoto siya ng “yes” sa registration ng partylist ni Cardema pero bakit walang hukom na umanoy may kaugnayan sa kanya ang naitalaga.
Cardema says he can’t launch death threats against Guanzon as he was not allowed to speak to the media. | @CMarquezINQ pic.twitter.com/8bO4Wu3Ss4
— Inquirer (@inquirerdotnet) August 17, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.