Pulis patay sa pamamaril ng riding in tandem sa QC

By Len Montaño August 17, 2019 - 10:15 PM

Patay ang isang pulis matapos itong barilin ng riding in tandem sa Quezon City Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasawing pulis na si Master Sgt. Anthony Lacson na nakatalaga sa Anonas Police Station ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon sa hepe ni Lacson na si Lt. Col. Cipriano Galanida, nakasakay ang biktima sa kanyang motorsiklo nang maganap ang pamamaril.

Si Lacson ay nasa kanto ng Pajo Street nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo.

Nabatid na binawian ng buhay ang biktima sa Quirino Memorial Medical Center.

Patuloy ang imbestigasyon sa pagka-kilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaril.

 

TAGS: Anonas Police Station, patay sa pamamaril, Pulis, QCPD, quezon city, riding in tandem, Anonas Police Station, patay sa pamamaril, Pulis, QCPD, quezon city, riding in tandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.