Sinusulong ngayon ng bagong Department of Agriculture (DA) Secretary na si William Dar ang market-oriented development sa mga produktong pang-agrikultura at pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor.
Ayon kay DA Secreatry William Dar na sa kanyang pamumuno sa DA ay titiyakin niya na aangat lahat kasama ang mga mangingisda at mga magsasaka.
Aniya, isa sa kanyang mga estratehiya ay ang tiyaking kabilang ang mga mangingisda at mga magsasaka sa mga proyektong ipatutupad ng gobyerno.
Sinabi rin nito na nakatuon din ang kanyang ahensya sa pagaaral ng iba’t ibang pamamaraan, kasama na ang pagsali sa mga private sector sa mga agricultural enterprises.
Pahayag pa niya na ang mga magsasaka at mga mangingisda ng bansa ay ang kanilang centro tungo sa magandang pagbabago ng agrikultura ng bansa.
Tiniyak ni Dar na mararanasan na ng mga mangingisda at mga magsasaka ang resulta ng kanilang pagpapagod, kabilang din dito ang food-security ng bansa.