Dating myembro ng NPA, patay sa pamamaril, sa Makilala Cotabato

By Marlene Padiernos August 17, 2019 - 08:54 PM

Dead on the spot ng pagbabarilin ang isang dating myembro ng New Peoples Army (NPA) habang sugatan naman ang kasama nito sa lalawigan ng Cotabato.

Kinilala ang nasawing biktima na si Arnulfo Cartalaba, 46 anyos, isang Habal-Habal driver at Arnold Gahil, 34 anyos, kapwa mga residente ng Brgy. Biangan , Makilala, North Cotabato.

Tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ni Cartalaba habang nagtamo naman ng sugat si Gahil dahil sa mga tama ng ligaw na bala.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakasakay si Cartalaba sa kanyang motorsiklo nang bigla siyang pagbabarilin ng kalibre .45 pistol ng apat na hindi pa nakikilalang mga suspek na agad ring tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.

Nabatid ng mga otoridad na dating myembro ng NPA ang biktima na nakinabang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng gobyerno sa Catitipan, Buhangin, Davao City noong buwan Enero 2019.

Samantala, naniniwala naman ang marami na dating mga kasamahan ni Cartalaba sa NPA ang mga suspek na pumatay dito.

Kasalukuyan paring nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mg pulis ukol sa nangyaring insidente.

TAGS: Brgy. Biangan, dead-on-the-spot, kalibre .45 pistol, makilala, New People’s Army (NPA), North Cotabato, Brgy. Biangan, dead-on-the-spot, kalibre .45 pistol, makilala, New People’s Army (NPA), North Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.