Binatilyo huli sa aktong nagbebenta ng droga sa Balayan, Batangas

By Noel Talacay August 17, 2019 - 07:08 PM

Inquirer file photo

Huli sa aktong nagbebenta ng droga ang isang binatilyo habang nagsasagawa ng anti-illegal drug operation ang mga pulis ng Balayan, Batangas bandang ala-1:10 kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Mark Russel Dimailig, 19-anyos, studyante at residente ng Barangay Pooc, Balayan, Batangas.  

Ayon kay P/Maj. Malron Caralipio Cabatana, hepe ng Balayan PNP, nagpanggap ang isa sa kanyang mga pulis bilang customer na bibili ng droga.

Aniya agad nilang hinuli ang suspek matapos makompirma ang transaksyon nito sa kanilang police asset.

Narekober sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at isang perang P500.00.

Hindi naman nanlaban ang suspek at mahinahon itong sumuko sa mga arresting officer ng Balayan PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Magsasagawa naman ang PDEA at Balayan PNP ng isang imbestigasyon para malaman kung konektado ba ang binatilyo sa isang drug syndicate sa kanilang lalawigan.

TAGS: Balayan PNP, P/Maj. Malron Caralipio Cabatana, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, shabu, Balayan PNP, P/Maj. Malron Caralipio Cabatana, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.