Antas ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagtaas

Tuluy-tuloy pa rin ang pagtaas ng lebel ng tubig Angat Dam dahil sa mga nararanasang pag-ulan.

Sa pinakahuling tala ng pagasa alas sais ng umaga, umabot na sa 177.17 meters ang antas ng tubig na mas mataas mula sa 177.12 meters kahapon.

Bagama’t patuloy na nadaragdagan ang tubig ay malayo pa rin ito sa normal na antas na 210 meters.

Tumaas din naman ang lebel ng tubig ng San Roque at Pnantabangan dams.

Nabawasan naman ang tubig sa Ipo, La mesa, Ambuklao, Binga, Magat, at Caliraya dams sa kabila ng maulang lagay ng panahon.

Read more...