Supply ng pagkain at tubig sa Itbayat, Batanes, paubos na

By Marlene Padiernos August 17, 2019 - 05:51 PM

Nagkakaroon na umano ng kakulangan sa supply ng pagkain at tubig para sa mga biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes.

Ito ay dahil sa isang linggo ng hindi nakaka-byahe ang mga bangka patungong Itbayat, Batanes upang maghatid ng tulong dahil sa nararanasang sama ng panahon sa lugar na dulot ng hanging habagat.

Nagkukulang na rin ang supply ng fuel na ginagamit para sa power supply sa lugar.

Gayunpaman, patuloy pa ring umaasa ang mga residente sa nasabing lalawigan pati narin ang mga residente sa mga karatig na lugar nito na maging maayos na ang lagay ng panahon upang muli na silang makapag hatid ng tulong sa mga biktima ng lindol.

TAGS: Hanging Habagat, Itbayat Batanes, supply ng pagkain at tubig, Hanging Habagat, Itbayat Batanes, supply ng pagkain at tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.