Maraming kailangang ipaliwanag ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa mga depektibong polisiya ng ahensya.
Ayon ito kay Senator Panfilo Lacson na nagsasabing ang board ang namumuno sa mga fund transfers at sa imbestigasyon ng mga diumano’t maanumalyang health care institutions at providers.
Sinabi rin ng senator na marami ang nawalang pondo sa ahensya dahil hindi maayos na pamamalakad dito.
Kasunod ito ng mga kontrobersyang kinaharap ng ahensya mula sa mga Ghost Dialysis Claims, kahinahinalang pagtaas ng Cataract Cases noong 2014 at 2015, at di umano’y overpayments sa mga pasyente mula 2013 hanggang 2018.
Sinabi naman ni Philhealth President Ricardo Morales na nakikipagdayalogo na sila sa mga International Auditing Firm upang tignan kung gaano kalawak ang naturang katiwalian at ang halaga ng nawalang pera dahil sa kurapsyon.
Kinwestyon din nito ang kredibilidad ng mga ulat na inilalabas ng Commission on Audit at sinabing kung may kurapsyon bakit hindi nila ito makita.
Ayon naman kay Health Secreatary Francisco Duque III, ang nawalang pera sa Philhealth ay isang ‘reckless conclusion’ lang pero hindi ito mangyayari kung walang mga matatatas na opisyal na sangkot.
Patuloy naman ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Commitee sa isyu at inatasan na ang mga regional directors na magsumite ng mga ulat upang makita kung saan ang pagkukulang o ang problema sa ahensya