Tutol din ang mga kaanak ni Rizal sa Torre De Manila

By Alvin Barcelona December 30, 2015 - 10:53 AM

isaac reyes
Isaac Reyes. Kuha ni Alvin Barcelona

Ayaw pumayag ng mga kamag anak ni Gat Jose Rizal na may photo bomber ang monumento nito sa Luneta.

Ayon kay Isaac Reyes, great great grand son ni Rizal, balak niyang bumalik bukas sa Rizal park at magbibitbit siya ng mga placard para i-protesta ang pagpapatayo sa Torre de Manila, ang sinasabing photo bomber ng pambansang bayani.

Iginiit ni Reyes na dito lamang sa Pilipinas may photo bomber ang estatwa ng kanilang Lolo, dahil sa ibang bansa ay walang ganito.

Inimbitahan din nito ang sinuman na interisado na samahan siya sa pagprotesta sa Torre de Manila.

Kasama ni Reyes sa paggunita ng Rizal Day sa Rizal Park ang lola nito na si Emma Reyes, ang great grand niece ni Rizal sa kapatid na si Saturnina.

Kanina, nagkaroon ng pagkakataon na personal na makaharap ng mga kaanak ni Rizasl si Pangulong Noynoy Aquino, na siyang nanguna sa seremonyas doon. Apo Rizal

 

TAGS: Rizal Day, torre de manila, Rizal Day, torre de manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.