Patatagalin pa ng Department of Agriculture ang 1.5 bilyon na loan assistance sa mga magsasakang naapektuhan ng Rice Import Liberazation Law.
Ayon sa ahensya, palalawigin pa nito ang Survival and Recovery o SURE program para makatulong sa mga magsasakang naapektuhan ng nasabing batas.
Mula kasi ng maipatupad ang batas, dumami ang mas abot kayang imported na bigas sa domestic market na siya namang nagdulot ng pagbaba ng presyo din ng palay.
Sa huling linggo ng buwan ng Hulyo, umabot sa 17.76 pesos ang kada kilo ng palay o mas mababa ito ng 18.6 percent kumpara noong 2018.
Ang average production cost naman ng palay sa bansa ay pumapatak ng 12 pesos kada kilo natatamasa ng mga magsasaka ang benepisyo ng Rice Competitiveness Enhancement Program o RCEP.
Nagbibigay naman ang RCEP ng 10 bilyong pisong pondo bilang subsidies sa mga magsasaka upang sila ay makabangon at makatapat sa ibang bansa.
Kabilang sa dito ang pamamahagi ng makinarya, punla, pagsasanay at murang credit.
Maaring kumuha naman ang mga nagsasakang may isang hektarya o mas mababa ng One Time Zero Interest Loan na nagkakahalaga ng 15, 000 pesos na pwedeng bayaran sa loob ng walong taon.
Sa ilalim ito sa SURE program na magsisimula sa September 1.
Inaprubahan ng Agricultural Credit Policy Council o ACPC ang 1.5 bilyong pesos na pondo na pwedeng kuhanin ng mga magsasaka sa Landbank.