TNT sisiguraduhing ibibigay ang todong performance sa 3rd conference

By Clarize Austria August 17, 2019 - 08:40 AM

Hindi man pinalad ang TNT na manalo sa PBA Commissioner’s Cup, nagpakita naman ito ng magandang laro ngayong taon.

Kumpara ito sa naging laro ng Katropa team noong 2018 Governor’s Cup kung saan hindi sila pinalad makapasok.

Ayon kay Mark Dickel ng TNT, kumpyansa sila na makapagbibigay pa ng mas magandang performance ang koponan sa susunod na huling conference ng season.

Ani Dickel, malaki na ang naging improvement ng kanilang team simula noong nakaraang taon.

Kailangan lang din anila na magkaroon pa ng ibang taktika, mas paigtingin ang kanilang depensa, at ipakita ito sa basketball court.

Matatandaan na nitong nakaraang biyernes ay tinalo ng San Miguel Beer ang TNT sa score na 102-90 sa game 6 ng Commissioner’s Cup ngayong taon.

TAGS: 2018 Governors cup, Mark Dickel, pba commissioner's cup, san miguel beer, 2018 Governors cup, Mark Dickel, pba commissioner's cup, san miguel beer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.