80 kabahayan natupok ng sunog sa GenSan, mga ari-ariang nasira aabot sa P300k


Isang sunog ang sumiklab sa Barangay Calumpang, General Santos City bandang alas 2:50 ng hapon kahapon (August 16).

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection – GenSan, tinatayang nasa 80 kabahayan ang naabo ng apoy at aabot sa P300,000.00 ang halaga ng mga ari-ariang napinsala.

Sa inilabas namang inisyal na talaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), aabot na sa 100 na pamilya ang apektado ng nasabing sunog na posible pang madagdagan dahil sa hindi pa tapos ang kanilang assessment.

Nagsimula umano ang nasabing sunog sa isang bahay na gawa sa na pagmamay-ari ng isang babaeng kinilalang si Marites Canine, kaya mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang iba pang mga bahay sa paligid nito.

Faulty wiring ang isa sa tinitignang dahilan ng mga kinauukulan na naging dahilan ng nasabing sunog.

Samantala, inilikas na ang mga apektadong residente sa Gymnasium ng Barangay Calumpang, at nagpaabot narin ng tulong ang lokal na pamahalaan ng GenSan sa kanila.

Read more...