Pelikulang (K)ampon ni Kris Aquino, hindi na makakasama sa MMFF

By Marlene Padiernos August 17, 2019 - 07:23 AM
Photo credit: Kris Aquino’s Instagram account

Hindi na makakasali sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang (K)ampon ni Kris Aquino.

Gamit ang kanyang Instagram post, ibinahagi ng TV host actress ang nasabing balita at ang mga naging dahilan kung bakit hindi na makakasama ang kanyang pelikula sa MMFF.

 

View this post on Instagram

 

Pinalaki po ako to ABIDE by RULES. Hindi po kami ang lead producer ng (K)Ampon. So unfortunately, my return to horror was not meant to be for MMFF 2019… but THANK YOU, Mother Lily, i received your thank you text for the birthday flowers i sent you. i look forward to working with @concepciongabby with @regalfilms50 (where we were both privileged to start our acting careers) for a movie soonest. Again, much love & gratitude to @popoycaritativo, @jeffvadillo, and @cornerstone. To my followers, GALANGIN natin ang naging desisyon ng MMFF Rules Committee. P.S. Belle Douleur from Quantum Films is showing now. #learnings

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on Aug 16, 2019 at 2:57am PDT

Isa sa mga itinurong dahilan nito ay ang pabago bagong casting na isa umanong paglabag sa patakaran na ipinapatupad ng organizer.

Ayon sa aktres, pinalitan ni Gabby Concepcion si Derek Ramsay bilang lead actor sa nasabing pelikula.

August 2, nang magdesisyon si Ramsay na umatras sa pelikula dahil mas naging prioridad nito ang kanyang naging kontrata sa isang TV network habang August 4 naman tinanggap ni Concepcion ang role bilang lead actor sa pelikula.

Noong July 31, itinakda ang deadline ng pagsusumite ng mga pagbabago sa pelikula.

Tiniyak naman ni Aquino na maipapalabas pa rin ang (K)ampon sa mga sinehan ngunit hindi na makakasama sa MMFF.

TAGS: (K)Ampon, Derek Ramsay, Gabby Concepcion, Kris Aquino, MMFF, (K)Ampon, Derek Ramsay, Gabby Concepcion, Kris Aquino, MMFF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.