Pakikipagdayalogo ng South Korea ibinasura ng North
Nagbato ng samu’t saring insulto ang North Korea laban kay South Korean President Moon Jae-in araw ng Biyernes at ibinasura na ang pakikipagdayalogo nito.
Ito ay matapos ang military drills ng South Korea kasama ang United States.
Tinawag ng Pyongyang si Moon na ‘shameless’ o walang hiya.
Sa isang Liberation Day speech, una nang sinabi ni Moon ang planong pagkaisahin ang Korean peninsula sa taong 2045.
Magugunitang may sigalot sa dalawang Korea matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Ayon kay Moon, nasa kritikal na kondisyon ngayon ang layong denuclearization sa Korean Peninsula matapos mauwi sa deadlock ang dayalogo ng Pyongyang at Seoul.
Sagot naman ng North Korea, walang saysay ang dayalogo kung patuloy ang military exercises ng South Korea at Washington.
Iginiit ng North Korea na pag-eensayo na para sa digmaan ang ginagawa ng dalawang bansa.
Bago ang maanghang na pahayag ng North Korean government, Biyernes ng umaga ay muli na namang nagpakawala ng missiles ang Pyongyang sa silangang bahagi ng katubigan nito.
Ito na ang ikaanim na missile test sa loob lamang ng halos isang buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.