Pilipinas kumita ng P245B sa turismo sa unang anim na buwan ng 2019

By Rhommel Balasbas August 17, 2019 - 03:29 AM

Nagdala ng P245 bilyon kita ang mga turista sa Pilipinas sa unang anim na buwan ng taon ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ayon sa pahayag ng kagawaran araw ng Biyernes, ang total receipts para sa unang anim na buwan ngayong taon ay mas mataas ng 17.57% kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.

Pinakamataas ang tourist spending noong Pebrero na umabot sa P48 bilyon.

Ang total receipt naman para sa buwan ng Hunyo ay nasa P38 bilyon, 30.56% na mas mataas kumpara noong Hunyo 2018.

Dagdag pa ng DOT, ang ginastos ng mga turista kada araw ay nasa $120.60, mas mataas ng 28.64% sa kaparehong panahon ng 2018.

Ang average length naman ng pamamalagi ng bawat isang turista ay 9.01 nights, mas mataas din ng 1.81% kumpara noong nakaraang taon.

Para kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, ang pagsusumikap na mapaganda ang lagay ng turismo ay para sa lahat ng mga Filipino.

Iginiit ng kalihim na ang turismo noong 2018 ang nasa likod ng nalikhang 5.4 milyong trabaho na siya namang bumuo sa P2.2 trilyong bahagi ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

“These economic numbers are exciting but the real purpose of why the government is working hard to push these numbers up year after year is for the Filipino people. Tourism in 2018 was responsible for 5.4 million jobs in 2018, contributing 12.7 percent or P2.2 trillion to the country’s Gross Domestic Product (GDP). At the end of the day, it is the number of lives changed for the better by tourism that would truly count,” ani Puyat.

Una rito, sinabi ng DOT na nasa 4.1 milyong foreign tourists ang bumisita sa bansa mula Enero hanggang Hunyo o 11.43% na mas mataas kumpara noong 2018.

 

TAGS: Department of Tourism, foreign tourists, gdp, kita, P245 bilyon, Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, turista, Department of Tourism, foreign tourists, gdp, kita, P245 bilyon, Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, turista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.