VP Robredo: ‘I’m ready to be president’
Hindi isinasara ni Vice President Leni Robredo ang pintuan para sa pagtakbo sa 2022 presidential elections.
Sa panayam ng international media company na Bloomberg TV, sinabi ng bise presidente na sa ngayon ay wala pa siyang planong tumakbo sa pagkapresidente ngunit bukas siya para rito.
“If you ask me now, I have no plans, but I am leaving everything open,” ani Robredo.
Ayon kay Robredo, marami pang pwedeng mangyari, tatlong taon bago ang presidential elections.
Naniniwala ang pangalawang pangulo na ang pagiging presidente ay itinadhana at marami sa mga pulitikong sumubok na maabot ang naturang pwesto ay naghanda ng maraming taon.
“A lot can still happen, and I’ve always said that the presidency is a destiny. There are so many politicians who have sought the presidency and have prepared for it for many years,” dagdag ng pangalawang pangulo.
Sinabi pa ni Robredo na handa siyang maging presidente sakaling may mangyari sa pangulo dahil mandato ito ng bise presidente sa ilalim ng batas.
Pre-requisite anya ng pagiging bise presidente ang pagiging handang maging pangulo.
“When I ran for the vice presidency, that was one of the pre-requisites, that I’m ready to be president. Because the mandate of the Philippine vice president is to take over if anything happens to the president. So, I would not have run for the vice presidency if I thought that I was not ready for the presidency,” giit ni Robredo.
Samantala, kumpyansa si bise Robredo na matatapos ang kanyang termino bilang bise presidente sa kabila ng kinahaharap na electoral protest at sedition complaint.
Si Robredo, 54 anyos at isang abugado ay pumasok sa pulitika noong 2013 matapos manalo bilang kongresista isang taon matapos ang pagpanaw ng kanyang asawang si dating interior secretary Jesse Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.