DOH inilunsad ang Synchronized Dengue Clean-up Drive sa NCR

By Noel Talacay August 17, 2019 - 02:39 AM

DOH photo

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang Region-wide Synchronized Dengue Clean-up Drive sa buong Metro Manila.

Pinangunahan Health Secretary Francisco Duque III ang kick-off ng naturang programa na isinagawa sa Quezon City.

Ayon kay Dugue, kasama sa Dengue Clean-up Drive ang 17 lokal na pamahalaan ng Metro Manila, Department of Education (DepEd), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Science and Technology (DOST) at Commission on Higher Education (CHED).

Base sa pinakabagong tala ng DOH Metro Manila Center for Health Development, umabot na ng 11,123 dengue cases sa NCR hanggang August 10.

Dahil dito, sinabi ni Duque na lumampas na sa dengue alert threshold ang NCR.

Ayon sa Kalihim, ang hakbang ay bilang pagtugon sa lumalalang kaso ng dengue sa bansa.

Una nang idineklara ng DOH ang National Dengue Epidemic sa bansa.

Nagsasagawa na ang mga lokal na pamahalaan ng regular na paglilinis sa mga komunidad at eskwelahan kung saan naglagay ng mga ovitraps sa mga public elementary schools at spraying sa mga dengue hotspot areas.

Hinikayat naman ni Duque ang publiko na makiisa sa paglilinis ng kapaligiran at alisin ang mga posibleng pamugaran ng mga kiti-kiti.

 

TAGS: Dengue, dengue alert threshold, doh, Health Secretary Francisco Duque III, kick-off, national dengue epidemic, NCR, quezon city, Region-wide, Synchronized Dengue Clean-up Drive, Dengue, dengue alert threshold, doh, Health Secretary Francisco Duque III, kick-off, national dengue epidemic, NCR, quezon city, Region-wide, Synchronized Dengue Clean-up Drive

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.