LOOK: Pilipinas at US nagtulungan sa paglalagay ng artificial reefs sa Batangas

By Rhommel Balasbas August 17, 2019 - 02:33 AM

US Embassy photo

Tulong-tulong na inilagay ng US at Philippines military divers, local government workers at non-government organizations ang artificial habitat reefs sa Brgy. Hukay, Calatagan, Batangas.

Sa isang pahayag, araw ng Biyernes, sinabi ng US Embassy sa Maynila na anim na US military divers kasama ang limang support crew members ang lumahok sa proyekto.

Ang proyekto ay tinatawag na ‘Operation Pamamalakaya’ kung saan 30 jackstone-type artificial habitat reefs na gawa sa simpleng construction materials ang inilagay sa dagat.

Magsisilbi ang reefs bilang shelter, food sources at breeding areas para sa wildlife.

Ayon sa US embassy, kalaunan ay mababalot ng coral ang mga istruktura na magpapayabong sa marine life at magpapaganda sa hanapbuhay ng mga mangingisda.

Sinabi naman ni Lieutenant Colonel Engelberto Nioda Jr. ng Philippine Air Force na ang artificial reef planting ay isang ‘lifesaving human endeavor’.

Tiniyak ng US embassy na patuloy bilang pinakamatagal na kaalyado ng Pilipinas ang US, patuloy ang kanilang suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng marine conservation projects.

 

TAGS: artificial habitat reefs, artificial reef, Batangas, calatagan, coral, jackstone-type, marine conservation projects, Operation Pamamalakaya, Pilipinas, US, US Embassy, artificial habitat reefs, artificial reef, Batangas, calatagan, coral, jackstone-type, marine conservation projects, Operation Pamamalakaya, Pilipinas, US, US Embassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.