Higit P14M cash reward ibinigay ng AFP sa anti-communist informants
Nagbigay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng P14.25 milyon sa mga impormanteng nakatulong para maaaresto o mapatay ng militar ang mga rebeldeng komunista.
Mismong si AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal ang nagbigay ng cash rewards sa mga impormante.
Sa pahayag ni Mardigal araw ng Biyernes, sinabi nitong nagpapasalamat ang AFP sa mga impormante na malaki ang naging bahagi para masawata ang mga rebeldeng komunista na nasa likod ng mga kahindik-hindik na krimen laban sa mga mamamayan at sa bansa.
“The AFP is grateful for all the informants whose help and cooperation became vital in the neutralization of these criminals who were responsible for heinous and atrocious crimes against our people and the nation,” ani Madrigal.
Muling nanawagan si Madrigal sa publiko na tumulong sa militar dahil ang paglaban sa terorismo at pagtamo sa kapayapaan ay responsibilidad ng bawat Filipno.
May cash reward ang sinuman na makapagbibigay ng impormasyon para mapasuko, maaaresto o mapatay ang ilang indibidwal na sangkot sa murder, kidnap for ransom at iba pang heinous crimes
Samantala, narito ang mga high-value targets na napatay o naaresto ng militar:
Victorio Tesorio, napatay, may P5 milyong patong sa ulo
Promencio Cortez, naaresto, may P4.8 milyong patong sa ulo
Deomedes Apinado, napatay, may P2.2 milyong patong sa ulo
Mauricio Sagun, naaresto, may P1.7 milyong patong sa ulo; at
Jaime Soledad, naaresto may P550,000 na patong sa ulo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.