Sa kanyang talumpati ay nagpasalamat si Moreno sa Artikulo Uno na nagbigay ng pagkakataon na maipalabas ang pelikulang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo.”
Ayon kay Mayor Isko, layon ng proyekto na maipaalala sa mga kabataan kung bakit dapat bigyan pahalaga ang buhay ng bayaning si Andres Bonifacio gayundin ang nakasulat na salitang kartilya sa Bonifacio Shrine.
Sama-samang nanood sina Mayor Isko, Vice Mayor Honey Lacuna, mga miyembro ng Manila City Council at mga department heads ng Manila City Hall sa unang tampok na pelikula sa Cine Kartilya.
Ipinakilala rin ng Alkalde ang gumawa ng pelikula na si Direk Enzo Williams.
Ang proyekto ay sa pangunguna rin ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau.