Opisina ng Traffic Unit Section sa QC na obstruction sa kalsada dinemolish

QC Public Affairs Department photo

Maski ang opisina ng gobyerno kabilang ang pulisya ay hindi pinalampas sa kampanya ng mga otoridad laban sa obstruction sa kalsada.

Sa Quezon City, tinibag ang opisina ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Enforcement Unit Traffic Sector-1 station sa A. Bonifacio kanto ng Cloverleaf Bridge sa Balintawak.

Pinangunahan nina Interior secretary Eduardo Año, PNP National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Gen. Guillermo Eleazar, QCPD director Brig. Gen. Joselito Esquivel, Jr. at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danny Lim ang ceremonial demolition araw ng Biyernes.

Sa gilid ng naturang traffic section station naka-impound ang mga sasakyan na sangkot sa aksidente.

Dahil dito ay nakahambalang ang mga impounded sa sasakyan at nagdudulot ng matinding trapik sa lugar.

Read more...