10 suspek sa pagpatay sa 4 na pulis sa Negros Oriental kilala na
Iprinisinta ng pulisya ang tatlong umanoy mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na kasama sa mga pumatay sa apat na pulis sa Ayungon, Negros Oriental.
Ayon sa pulisya, kilala na nila ang ang sampu sa 20 hanggang 40 suspek sa ambush.
Pero sa sampu, tatlo pa lamang ang nasa kustodiya ng pulisya.
Ayon kay Brig. Gen. Debold Sinas, ang mga supek ay sina Mitchell Fat, ang umanoy lider ng grupo.
Ang siyam pang ibang nakilalang suspek ay sina Victoriano Anadon, Jonathan Baldivino, Renqie Anadon, Gelie Ebedo, Josep Ogatis, Jelly Ebedo, Danny Tansico, Ronnie Heribios at Jojo Ogatis.
Unang naaresto si Anadon sa bahay nito sa Barangay Mabato noong July 19 habang sina Tansico at Heribios ay nahuli sa bayan ng Badian noong July 31.
Ayon kay Sinas, si Fat ay itinuro ng mga testigo na siyang nanguna sa pamamaril sa mga pulis.
Sinabi naman ng isang testigo na si Fat ang kumuha ng mga baril ng tatlo sa mga pulis habang isang alyas James ang kumuha sa baril ng isa pang pulis.
Nahaharap ang mga suspek sa multiple murder at robbery charges para sa pagpatay kina Corporal Relebert Beronio, Patrolman Raffy Callao, Patrolman Roel Cabellon at Patrolman Marquino De Leon noong July 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.