4 na Chinese arestado sa pagdukot sa kanilang kababayan sa Pasay

By Len Montaño August 16, 2019 - 10:22 PM

Timbog ang apat na Chinese nationals na dumukot at nagkulong sa kanilang kababayan sa casino sa Pasay City.

Ayon sa pulisya, dinukot ng mga turistang sina Hui Qin, Sengtao Tan, Kaisi Luo at Pu Fei ang kapwa nila Chinese na si Samuel Chang na hindi umano nagbayad ng utang sa casino.

Lumabas sa imbestigasyon na ikinulong ng mga suspek ang biktima dahil sa utang nitong P300,000.

Nailigtas si Chang ng mga gwardya matapos itong humingi ng tulong sa mga waitress sa casino.

Nahaharap ang mga dayuhang suspek sa reklamong illegal detention at grave threat.

 

TAGS: Casino, chinese, dinukot, kababayan, Pasay, utang, Casino, chinese, dinukot, kababayan, Pasay, utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.