Pinangunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang flag raising at wreath laying ceremonies para sa ika-isang daan at labing siyam na anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park, sa lungsod ng Maynila ngayong umaga.
Ang Rizal day ngayong taon ay may temang: “Dangal ng Pilipino, Gabay sa Pagbabago”.
Sa pagtitipon, muling nakaharap ni Presidente Aquino si Vice President Jejomar Binay.
Present din doon sina Manila Mayor Joseph Estrada, Defense Secretary Voltaire Gazmin, at mga opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Dumalo rin ang ‘great grand niece’ ni Dr. Rizal na si Emma Reyes, kasama ang asawa nito na si Ramon, na kabilang sa nabubuhay na kaanak ng national hero.
Nag-alay si Pangulong Aquino ng dilaw ng mga bulaklak at sumaludo pa sa pambansang bayani, sa wreath laying ceremony.
Sa event din nasaksihan ang Rizal Day rites flyby o paglipad ng mga bagong FA-50PH fighter jets ng Philippine Airforce.
Taliwas naman sa mga nakalipas na Rizal Day, hindi na nagtalumpati si Pnoy at sa halip, mayroon lamang siyang Rizal Day message.