PNoy, pinangunahan ang ika-119 na anibersaryo ng kamatayan ni Rizal

By Alvin Barcelona December 30, 2015 - 09:41 AM

Kuha ni Alvin Barcelona
Kuha ni Alvin Barcelona

Pinangunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang flag raising at wreath laying ceremonies para sa ika-isang daan at labing siyam na anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park, sa lungsod ng Maynila ngayong umaga.

Ang Rizal day ngayong taon ay may temang: “Dangal ng Pilipino, Gabay sa Pagbabago”.

Sa pagtitipon, muling nakaharap ni Presidente Aquino si Vice President Jejomar Binay.

Present din doon sina Manila Mayor Joseph Estrada, Defense Secretary Voltaire Gazmin, at mga opisyal ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Dumalo rin ang ‘great grand niece’ ni Dr. Rizal na si Emma Reyes, kasama ang asawa nito na si Ramon, na kabilang sa nabubuhay na kaanak ng national hero.20151230_080900

Nag-alay si Pangulong Aquino ng dilaw ng mga bulaklak at sumaludo pa sa pambansang bayani, sa wreath laying ceremony.

Sa event din nasaksihan ang Rizal Day rites flyby o paglipad ng mga bagong FA-50PH fighter jets ng Philippine Airforce.

Taliwas naman sa mga nakalipas na Rizal Day, hindi na nagtalumpati si Pnoy at sa halip, mayroon lamang siyang Rizal Day message.

 

 

 

TAGS: Dr. Jose Rizal, President Nonoy Aquino, Rizal Day, Dr. Jose Rizal, President Nonoy Aquino, Rizal Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.