Bangkulasi River lilinisin bago matapos ang 2019 – Sec. Cimatu

By Noel Talacay August 16, 2019 - 08:16 PM

Lilinisin ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang Bangkulasi River sa Navotas City.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, planong tapusin ang paglilinis ng ilog sa buwan ng Disyembre ngayong taon.

Aniya, nagtalaga na siya ng isang team mula sa DENR na magsasagawa ng matinding pagbabago at paglilinis sa nasabing ilog.

Sabi pa ni Cimatu na ito ay para bumaba ang fecal coliform level ng Manila Bay.

Nakakapagdagdag kasi ang Bangkulasi river ng fecal coliform sa Manila bay.

Ang fecal coliform ay isang uri ng bacteria sa tubig na nakakapinsala katawan ng tao at sa hayop.

Ang tubig ng Bangkulasi River ay isa sa pinakamaruruming ilog na dumadaloy patungong Manila Bay.

TAGS: Bangkulasi River, DENR, Sec. Roy Cimatu, Bangkulasi River, DENR, Sec. Roy Cimatu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.