LOOK: CineKartilya, isasagawa sa Bonifacio Monument

Ilulunsad ng pamahalaang lokal ng Maynila ang CineKartilya sa Bonifacio Monument, Biyernes ng gabi.

Sa inilabas na impormasyon ng Manila Public Information Office (PIO), ipapalabas sa CineKartilya ang “Bonifacio: Ang Unang Pangulo.”

Pinangunahan ang proyekto ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau.

Kasabay nito, inanyayahan ng alkalde ang mga residente ng lungsod na pumunta at manood ng nasabing pelikula.

Read more...