Oplan Galugad, muling isinagawa sa Maximum Security Compound ng Bilibid

By Isa Avendaño-Umali December 30, 2015 - 09:22 AM

bilibid-1-010314Muling nagsagawa ang Bureau of Corrections o Bucor ng Oplan Galugad sa New Bilibid Prison o NBP sa Muntinlupa City ngayong araw, o bago ang 2016.

Muling sinuyod ng Bucor ang Maximum Security Compound ng Bilibid kung saan samu’t saring gadgets, mamahaling gamit, appliances at iba pa ang nasabat.

Kabilang sa mga nakumpiska ay nasa iba’t ibang uri ng cellphones, mga branded na relo, mga TV, DVD, speakers, aircon at mga patalim.

May nakuha ring libu-libong halaga ng cash.

Bukod sa paggalugad sa Maximum Security Compound partikular sa quadrants 1 at 2, giniba naman ang kubol ng notorious carjack leader na si Raymond Dominguez.

May nadiskubre ring drug paraphernalia sa loob ng naturang kubol ni Dominguez, kaya naman hinanap ng Bucor ang posibleng nakatagong ilegal na droga.

Ang Oplan Galugad ngayong araw ay ang ika-sampung operasyon na ginawa ng Bucor na layung puksain ang kriminalidad sa loob ng Bilibid at lifestyle ng mga high profile inmates doon.

 

TAGS: Bilibid, Oplan Galugad, Bilibid, Oplan Galugad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.