CHR muling nanawagan sa gobyerno na imbestigahan ang mga kaso ng pagpaslang sa war on drugs
Muling nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan na magsagawa ng imbestigasyon sa lahat ng kaso ng pamamaslang ukol sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Ito ang pahayag ni Atty. Jacqueline de Guia, tagapagsalita ng CHR, kasabay ng ikalawang anibersaryo ng pagpaslasng kay Kian Lloyd delos Santos.
Bagaman nahatulang guilty, sinabi nito na napakarami pa ring biktima ang hindi pa nabibigyan ng hustisya.
Patuloy pa rin aniya ang mga patayan na may kinalaman sa ilegal na droga.
Dahil dito, hinikayat ng ahensya ang gobyerno na makipagtulungan sa kanilang tanggapan para sa mga kaso.
Layon din aniya nitong magkaroon ng pandaigdigang mekanimos para mapanagot ang mga may sala sa umano’y extrajudicial killings.
Hinikayat din ng CHR ang publiko na huwag manahimik sa mga karahasang nagaganap sa bansa.
Lumaban din aniya sa anumang uri ng pang-aabuso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.