Gretchen Diez nagsampa na ng reklamo hinggil sa naranasang diskriminasyon sa QC mall
Pormal nang nagsampa ng reklamo ang trans woman na si Gretchen Diez kaugnay sa naranasan niyang diskriminasyon sa Farmers Mall sa Quezon City.
Sinamahan si Diez ng Quezon City Pride Council at kaniyang abogado nang inihain ang reklamo laban sa Araneta Center Inc., Starline Security Agency, Inc., at sa sanitation services agency na kinontrata ng Araneta Center.
Reklamong paglabag sa Gender Fair Ordinance ng lungsod ang isinampa ni Diez.
Si Quezon City Attorney Orlando Paolo Casimiro ng legal department ng City Hall ang tumanggap ng reklamo.
Bago ito nagtungo si Diez sa City Hall at pinulong ni Mayor Joy Belmonte at ng Pride Council.
Ito ay para talakayin ang kaniyang mga magiging hakbang sa naranasan sa mall.
Tiniyak din ni Belmonte ang tulong kay Diez at ang pagbibigay kahalagahan ng lungsod sa mga miyembro ng LGBTQ+ community.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.