Mga nabiktima ng paputok, patuloy na tumataas sa EAMC

By Isa Avendaño-Umali December 30, 2015 - 09:13 AM

firecrackersIsang araw bago ang pagsalubong sa 2016, nasa dalawampung katao na ang biktima ng mga paputok na ginamot sa East Avenue Medical Center.

Batay sa datos ng EAMC, mula December 24 hanggang 29, 2015, aabot na sa dalawampu’t dalawang biktima ang dinala at nilapatan ng lunas sa kanilang ospital.

Mayorya o dalawampu’t isa sa mga biktima ay mga bata at mga lalaki.

Karamihan din sa firecracker-related cases ay dahil sa Piccolo.

Inaasahan naman ng EAMC na may mga maisusugod pa rin sa kanilang pagamutan lalo na sa Bisperas ng Bagong Taon.

Subalit sana raw, ay nagtanda ang publiko at isinaalang-alang ang mga paalala ng pamahalaan upang maiwasan na mabawasan ng parte ng katawan o masawi dahil sa pagpapaputok.

 

TAGS: 2016, Firecracker related cases, New Year, 2016, Firecracker related cases, New Year

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.