Local holidays idineklara ng Malakanyang sa tatlong lalawigan

By Angellic Jordan August 16, 2019 - 05:33 PM

Nagdeklara ang Palasyo ng Malakanyang ng special non-working holidays sa tatlong lalawigan sa bansa.

Sa Proclamation no. 791, idineklara bilang special non-working holiday ang August 20, 2019 sa Lucena City, Quezon.

Ito ay para sa selebrasyon ng kanilang Charter Day.

Samantala, sa Proclamation no. 792, special non-working working holiday sa August 22, 2019 sa Liloy, Zamboanga del Norte dahil sa paggunita ng kanilang ika-animnapu’t walong Founding Anniversary.

Batay naman sa Proclamation no. 793. special non-working working holiday din sa August 30 sa Arakan, Cotabato para sa kanilang ika-dalawampu’t walong Founding Anniversary.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makalahok sa mga aktibidad ng lugar.

TAGS: Cotabato, local holidays, Lucena City, Zamboanga del Norte., Cotabato, local holidays, Lucena City, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.