Mga Pinoy pinag-iingat sa pagbiyahe mula at patungong Mitiga International Airport sa Libya

Binalaan ng Emhabada ng Pilipinas sa Libya ang mga Filipino ukol sa pagbiyahe mula at patungong Mitiga International Airport.

Sa Twitter, sinabi ni Chargé d’Affairs Elmer Cato na mapanganib ang biyahe sa ngayon sa nasabing paliparan.

Sa ibinahagi nitong tweet, inanunsiyo ang suspensiyon ng mga biyahe sa Mitiga Airport dahil sa naganap na Grad rocket attack.

Ani Cato, ang Mitiga Airport ang tanging paliparan na operational sa Tripoli.

Read more...