DFA muling naglabas ng paalala sa mga Pinoy sa Hong Kong

By Angellic Jordan August 16, 2019 - 05:20 PM

Muling nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Filipino na planong magtungo sa Hong Kong.

Ayon sa kagawaran, sa mga Pinoy na walang urgent business sa Hong Kong, iwasan na muna ang Hong Kong International Airport (HKIA) bilang destinasyon o transit airport.

Ito ay dahil sa ‘unpredictable situation’ sa nasabing paliparan kung saan nagpapatuloy ang kilos-protesta.

Ayon pa sa DFA, maiging tumawag muna ang mga bibiyaheng Pinoy sa kanilang airline company limang oras bago ang kanilang biyahe para malaman kung tuloy ito o hindi.

Batay sa mga ulat na natanggap ng Philippine Consulate General sa Hong Kong, narito ang listahan ng mga nakatakdang rally sa Hong Kong:

Sa August 17:
– Chater Garden, Central to Central
– Government Offices, Admiralty
– Hung Hom Pier hanggang Sung Wong Toi Garden, Kowloon

Sa August 18:
– Victoria Park, Causeway Bay hanggang Chater Road, Central

Sa August 19:
“Clean up MTR carriages”

Sa August 25:
– Kwai Tiang Theatre, Kwai Chung hanggang Tsuen Wan Park

Inabisuhan ang mga Pinoy sa nasabing bansa na iwasan ang mga nabanggit na lugar para hindi madamay sa kaguluhan.

Sakaling mangailangan ng tulong, maari anilang makipag-ugnayan ang mga Pinoy sa Consulate General Hotline sa (+852) 9155-4023.

TAGS: DFA, hong kong airport, HOng Kong Protest, DFA, hong kong airport, HOng Kong Protest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.