El Niño Task Force muling binuhay ni Pangulong Duterte

Ipinag-utos ni PangulongRodrigo Duterte ang reactivation ng El Niño Task Force ng pamahalaan para matugunan ang epekto ng tagtuyot sa bansa.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Order No. 38 na muling bumubuhay sa task force na nabuo noong taong 2001 sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nakasaad sa utos ang inilabas na climate models ng DOST-PAGASA na ang El Niño ay mararanasan mula noong Hunyo hanggang ngayong buwan ng Agosto.

Dahil dito, kailangan umano ng short at long-term solutions para matiyak ang katugunan sa epekto nit.

Kabilang sa pinatitiyak ang pagkakaroon ng food, water at energy security, safeguard livelihood, at mas maayos na disaster and climate resilience ng bansa.

Si Economic Secretary Ernesto Pernia ang mamumuno sa task force.

Ang agriculture secretary ang magiging pinuno ng food security, ang environment secretary sa water security, energy secretary para sa power security, health secretary sa health at interior secretary sa safety concerns.

Miyembro ng task force ang science and technology secretary, defense secretary, social welfare secretary, labor secretary, trade secretary, communications secretary, chairperson of the National Disaster Risk Reduction and Management Council, Technical Education and Skills Development Authority director-general, Office of the Civil Defense administrator, National Food Authority administrator, National irrigation Authority administrator, at ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration chief.

Read more...