2 arestado sa buy-bust sa Lucena

By Angellic Jordan August 16, 2019 - 04:33 PM

Arestado ang dalawang tulak ng droga sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation sa Lucena, Quezon.

Batay sa ulat ng Quezon police, positibong nakabili ang pulis na naging poseur buyer sa operasyon ng shabu sa suspek na si nirvann Eclavea, 20 anyos.

Isinagawa ang operasyon sa loob ng isang subdivision sa Barangay Ibabang Iyam bandang alas 12:30 ng Biyernes.

Narekober sa suspek ang apat na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng 36 thousand 300 pesos.

Samantala, timbog din ang suspek na si Arnold Pontiveros, kwarenta y nuwebe anyos, sa bahagi ng Barangay Ilayang Dupay.

Nakuha ng mga otoridad kay Pontiveros ang 14.38 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P79,090.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, Quezon police, War on drugs, buy bust operation, Quezon police, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.