Senator Leila de Lima sinabing peke ang kumakalat na video ng umano’y pag-amin niya sa illegal drug trade sa Bilibid

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 03:42 PM

Peke umano ang video na kumakalat sa social media kung saan maririnig ang mistulang pag-amin ni Senator Leila de Lima sa kalakaran ng ilegal na droga sa Bilibid.

Ayon kay De Lima nakarating na sa kaniya ang tungkol sa ‘manufactured video’ at ito aniya ay ‘spliced version’ ng kaniyang privilege speech tungkol sa extrajudicial killings noong August 2016 sa Senado.

Pinanood umano ng kaniyang mga staff ang video at sinabi ng mga ito na halatang inedit ang video para lumabas na umaamin siya sa ilegal na Gawain.

Ang nasabing video na kumakalat sa social media ay mayroong titulo na “Umamin na ang De Lima na isa siyang protector ng droga.”

Hinimok naman ni De Lima ang publiko na maging mapagmatyag sa mga napapanood nila sa social media.

TAGS: illegal drug trade, Illegal Drugs, Senator Leila De Lima, illegal drug trade, Illegal Drugs, Senator Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.