Sundalo patay, 2 pa sugatan sa aksidente sa Isabela

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 03:28 PM

Patay ang isang tauhan ng Philippine Army habang kritikal ang isa pa makaraang bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang wing van-type sa national highway sa Isabela.

Ayon kay Police Captain Frances Littaua, Isabela police spokesperson, ang nasawi ay si Army Staff Sgt. Magno Taguitag, 38 anyos habang sugatan naman si Cpl. Rommel Gamboa, 28 anyos.

Kapwa nakatalaga ang dalawang sundalo sa Camp Melchor Dela Cruz sa bayan ng Gamu.

Idinekalarang dead on arrival si Taguitag sa Faustino Dy Sr. Memorial Hospital sa Ilagan City.

Nasugatan din ang driver ng wing van na si Antonio Pero, 38 anyos.

Patungo ang dalawang sundalo sa bayan ng Naguilian nang makabanggaan nila ang wing van-type truck ni Pero.

Mahaharap naman si Pero sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at serious physical injuries dahil sa aksidente.

TAGS: accident, gamu, isabela, Philippine Army, accident, gamu, isabela, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.