P500K na halaga ng shabu nakumpiska sa dalawang drug dealer sa Batangas; mga suspek aminadong sa bilibid nila kinukuha ang shabu

By Dona Dominguez-Cargullo, Noel Talacay August 16, 2019 - 03:20 PM

Arestado ang dalawang katao matapos makuhanan ng P500,000 halaga ng shabu sa Batangas City.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina
Ruel Casao, 47 at Warren Villena, 41 na nadakip sa ikinasang entrapment operation alas 7:00 ng gabi ng Huwebes sa Barangay Bolbok.

Nakuha mula sa mga suspek ang 80 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P540,000.

Ayon kay Batangas City police chief Lt. Col. Sancho Celedio, si Casao ang lider at “distributor” ng shabu sa southern part ng Batangas.

Ani Celedio, inamin ng dalawa na ang shabu na kanilang ibinebenta ay galing sa loob mismo ng New Bilibid Prison (NBP).

Natunton ang dalawang suspek matapos makatanggap ng tip ang mga otoridad.

Isang lalaki rin ang naaresto kamakailan ng pulisya at si Casao ang isinumbong nito sa mga pulis.

TAGS: batangas city, New Bilibid Prisons, War on drugs, batangas city, New Bilibid Prisons, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.